A Moment of Silence

Every other day, twice a week, once a week, once every two weeks, hanggang sa kung kailan na lang maisipan. Ganyan ang naging schedule ko simula nang naisipan kong magpost ng tula sa WordPress. Tagpuan Site, tagpuan ng mga salitang nais kong iparating sa madla at ng mga mambabasang may oras at atensyon na mailalaan para sa mga kagaya nito. Ninais ko naman talagang magbahagi ng nilalaman ng aking puso sa mga salitang nagtutugma pero umabot din ako sa puntong hindi ko alam kung dapat pa ba akong magpatuloy.

A moment of silence.

I went through one of my most difficult seasons in life. I was so desperate to end this melancholy that I decided to throw myself to anyone available to catch a broken person like me, not knowing that, this will break me more than I already am. Umabot din ako sa puntong nawalan na ko ng kapasidad makaramdam ng sakit. Wala na kong nahanap na salita para maipaliwanag kung nasaan ako ngayon.

Pero sinulat ko to para sabihing ginusto kong sumulat ng tula.

Napapangiti ako sa tuwing nagtutugma ang mga salita sa dulo ng bawat linyang sunod-sunod na bumubuo ng isang palaisipan. Pag-ibig, rebolusyon, pamilya, hinagpis, kasiyahan, pagbangon, pag-asa, Panginoon, at kung ano-ano pang topic na ang narinig ko at hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa pagkakabuo ng mga taludtod. Sana ako rin. Sana magawa ko rin, sabi ko sa sarili ko noon. Dahil ang maipahayag ang nararamdaman na may sukat at kulay, yung hindi nalilimitahan sa metaphor, ang isa sa pinakagusto kong gawin sa buhay.

Bakasakaling mapakinggan. Bakasakaling makarating sa taong nais paroonan.

At gusto ko pa ring sumulat ng tula.

Hindi mahalaga sa akin kung maraming makakabasa. Marami naman akong friends na pwede pasahan. May masusuhulan naman ako para dyan. Pero yung feeling na naipaliwanag ko yung sarili ko. Yung atlis alam ko sa sarili ko na naiintindihan ko pa yung nangyayari sa mundo ko. Yung alam kong may oras pa ko para mahabi yung pananaw ko at gawing tula. Feeling ko nakaka-normal ng pagkatao. Feeling ko nasa mundo pa ko.

At kahit dumaan pa ko sa maraming discouragements at disappointments (gaya ngayon?), gugustuhin ko pa ring sumulat ng tula.

Gaya ng pagkanta, susulat pa rin ako ng tula. Kahit wala na kong maisip isulat, susulat pa rin ako. Hindi ko naman siguro kailangang maging sikat na singer para ma-encourage akong kumanta. Ganoon din sa tula. Never pa akong nagkaroon ng chance basahin ang tula ko sa open mic o sa kahit anong event. Pero super gusto ko! Pero kahit wala pa yun, o kahit hindi na dumating ang pagkakataon na yun, susulat pa rin ako ng tula.

Dahil kapag natutunan ko nang mahalin ang isang bagay, natututunan ko ring hindi ito bitawan dahil lang nahihirapan na ko.

Para sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa ng mga susunod ko pang posts na tula, SUPER SALAMAT.

Wala akong maipapagmamalaki at hindi ko mababayaran ang oras na nilaan niyo para sa mga tula ko pero nagtityaga pa rin kayo. Siguro dahil close talaga tayo at concern ka sa well-being ko? Kidding aside, hindi niyo alam na nabibigyan niyo rin ako ng lakas ng loob para magpatuloy. Sabi nga sa Proverbs 12:25 ESV “Anxiety in a man’s heart weighs him down, but a good word makes him glad.” Masaya lang akong malaman na hindi ako mag-isa sa kaechosan kong ito.

Para sa mga naniniwalang kaya ko at makakaya ko, YOU’RE THE BEST!

Sa panahong kahit ako hindi na kayang maniwala sa sarili ko, nandyan kayo para i-pm at i-cheer ako. Sobrang salamat. Sobrang naapreciate ko yun. You never knew how those kind words pierced my heart of stone.  Baka nga oa din ang reception ko sa mga cheers niyo, feeling ko tuloy friends na tayo on a deeper level. Sorry naman kung mali ako sa part na yun. Gusto ko lang sabihing naappreciate ko kayo super.

Sumali ako ng contest at wala pa ring response hanggang ngayon. Kapag walang natanggap sa pinasa ko, dito ko na ilalagay. At marami pa ring lumalabas sa Facebook na events at contests pero medyo magslow down muna ako sa once a month poetry events na pinupuntahan ko. Mag-iipon muna ako para makapunta sa mas marami pang events. *Hopefully may makakasama pa rin ako sa mga events na yun*

Gusto ko pa rin mag-improve, palawakin yung topics na ididiscuss ko. Mag-aaral ako kung paano magcompose and sana maaral ko rin kung paano yun basahin sa madla (spoken word poetry). Hindi ako expert sa language, grammar, at kung ano pang technicalities, pero willing akong magcompensate para sa ikagaganda ng mga tula ko. At kung may maisshare kayo, super willing akong makinig promise. Especially workshops tungkol dito, pm mo niyo po ako.

Sa buhay, may oras na sobrang gulo at sobrang ingay ng mundo. Ngunit may oras din na nauubos din ang mga ito. Pero sa gitna ng katahimikan, doon natin mas naririnig ang tibok ng ating pusong nagsasabing “Buhay ka pa, kaya lumaban ka pa.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s